Wednesday, April 21, 2010

Vision


Benjamin B. Esguerra Memorial National High School shall make individuals feel that they are valued, acknowledged and  recognized.

Mission

Benjamin B. Esguerra MNHS faculty, staff and students partnered with families and community will continuously strive to prepare our students to be successful, caring and contributing members of society.

School History

Hunyo 2004 nang magsimula ang operasyon ng paaralang Benjamin B. Esguerra noon ay higit na kilala bilang TNHS St. Anne Extension.Mula sa pagiging Sta.Ana Elementary School Unit I gamit ang isang palapag na may dalawang gusali,at may pitong silid aralan.Isa na itong katuparan ng proyektong pampamahalaan sa ilalim ng sistemang tinatawag na "zoning",kung saan layunin ng pamahalaan na ilapit sa mga baranggay ang nga paaralan upang hindi maging hadlang ang kahirapan at maging suliranin ang kalagayang pinansyal upang makapag aral ang mga kabataan.

Sa isang sesyon na ginanap noong Mayo 2003,naghain si Kgg.Joselito "Joey"Calderon NG isang panukala,na gawing Paaralan Sekundarya ang Sta.Ana Elementary Unit I sa Camia St. Brgy. Sta.Ana,Taytay,Rizal.Ang resoluyson ay tinanggap ng mga bumubuo ng Sanggunian Bayan at pinagtibay noong Mayo 12,2003.Ang nasabing resolusyon ay isinumite sa tanggapan ni Dr.Edith A.Doblada,tagapamahala ng Pamahalaan ng Rizal.

Katuparan din ito ng pagtutulungan ng dating Punong Bayan June V. Zapanta at Gng.Cynthia M. Cruz dating punongguro ng Taytay National High School.Apat na raan at tatlumpong na mag aaral na nakatira sa mga karatig lugar ng Brgy. Sta.Ana ang inilipat sa nabanggit kasabay ang pitong guro mula sa Taytay National High School na nakatira malapit rin sa lugar ng Sta.Ana.Si G.Jesus Obenita ang naging gurong tagapamahala,kasama niya si Gng.Ofelia Obenita,Gng.Victoria Zapanta,Gng.Melita Perez,Gng.Esther Rhoda,Gng Cemoneth Andres,at Bb.Amalia Javier ang unang pangkat ng mga gurong inilipat sa TNHS ST.Anne extension mula TNHS MAIN sa Meralco village Taytay,Rizal

Dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon ng mga mag aaral sa Benjamin B. Esguerra,hiniling ni G.Jesus Obenita sa Kgg.Punong Lalawigan Casimiro Ynares Jr. noong 2003 na magkaroon ng gusaling YNARES na may dalawang palapag at may anim na silid aralan.Nang matapos ang pagpapatayo ng gusaling nabanggit,pinasinayahan ito noong ika 25 ng Hulyo,2005 sa ilalim ng pamamahala ni Dr.Mercedita Cu na siyang kapalit ni G.Obenita sa pagiging Gurong Tagapamahala.

Nang sumapit ang taong panuruan 2006-2007 patuloy na dumoble ang bilang ng nagnais na mag aral sa Benjamin B. Esguerra, kung kayat muling humiling si Dr. Mercedita L. Cu kasama ng kanyang labing walong guro (18) kay Kgg. Congressman John Jack Duavit na madagdagan ang gusaling pampaaralan sa Benjamin B. Esguerra Memorial National High School ng dalawang (2) palapag ng may anim (6) na silid aralan. Ito naman ay napagbigyan at ang gusali ay natapos at pinasinayaan noong Pebrero 26, 2008, sa ilalim ng pamumuno ng bagong Punong Guro Dr. Ma. Cristina S. Marasigan

Nakamit ang pangalang Benjamin B. Esguerra Memorial National High School noong taong 2007 sa isang resolusyon na pinagtibay ng Sangguniang Bayan ng Taytay sa ilalim ng pamamahala ng Kgg. Punong Bayan Ricardo "Joric" Gacula bilang pagkilala sa namayapang dating Punong bayan ng Taytay na si Benjamin B. Esguerra Sr. Sa kasalukuyan, patuloy na nagsisilbing pundasyon ng katalinuhan at katotohanan lalo na sa mga kabataang nagnanais ng ibayong karunungan.

Sa kasalukuyan ang Benjamin B. Esguerra ay may bilang na mahigit sa dalawang libo dalawang daan animnapu (2260) na mag-aaral at apatnapu't tatlong (43) guro. Sa darating na maga araw ay sisimulan na ang mga gusaling ipapatayo ng pamahalaan nasyonal at probinsyal sa tatlong (3,000) metro kuwadradong lupa na bibilihin ng pamahalaang lokal para sa ating paaralan.